Saturday, February 19, 2011

Passion

Isa sa mga paborito kong gawin ay ang pagluluto. Bukod sa mahilig akong kumain, lumaki ako sa bahay na mahilig sa pagkain ang mga tao. Naalala ko noong bata pa kami, wala man kaming bagong damit lagi at payak lang ang aming suot subalit sinisigurado ng mga magulang ko na makakakain kami ng masasarap na pagkain at matikman daw namin ang mga ito para di kami tatanghod sa mga mayayaman naming kapitbahay.

Parehong mahilig magluto si nanay at si tatay. Kare-kare ang specialty ni nanay samantalang kaldereta at mechado naman si tatay (pulutan daw hehehe). Idagdag pa ang tita ko na sobrang sarap magluto na kung magluto ng morcon ay parang ordinaryong ulam lang nila sa bahay.

Subalit natuto man ako ng maaga na maghugas ng plato, magwalis, mag-garden, etc. ay di ako tinuruang magluto. Siguro dahil abala sila sa kusina at walang pasensyang magturo sa batang tulad ko.

Lumaki ako ng walang alam kundi magsaing at magprito ng itlog. Hanggang sa naging independent at doon ko narasanan ang hirap ng hindi marunong magluto. Natuto nalang akong magluto ng ako'y mag-asawa na. Nakakahiya naman siguro sa asawa ko na siya marunong magluto samantalang ako ay hindi.

Maraming hits and misses din along the way. Pero ang alam kong parang naging basic ko ay ng bigyan ako ng kaibigan kong editor sa isang food magazine ng isang cook book galing ke mama sitas. basic, ng matutunan ko naging parang base nalang sya then nag experiment na ako ng kung anu ano.

Masarap magluto lalo na kung ikaw ay nasa mood....lalong sumasarap ang pagkain. Pero minsan pag ako'y stressed at talagang napipilitang magluto doon pumapangit ang timpla.

Tinuturing kong art ang pagluluto at hinahambin sa pagpipinta or pagko compose ng kanta. Naipaparating mo ang laman ng iyong puso at kaluluwa sa paggigisa, paghahalo ng mga rekado at pagtimpla ng lasa.

Natutuwa ako pag nagugustuhan ng mga kumakain ang luto ko. Ang usual na mga biktima ay ang mga kasamahan ng asawa ko sa trabaho. Masarap malaman na nagustuhan nila ang aking mga specialties: ang buttered shrimps, kaldereta at ginataang manok. niloloko nga ako at tinatawag na "chef." At nagustuhan din ng family ko ang aking version ng spaghetti. Naalala ko noong buhay pa ang tatay ko, gusto nya ito at ang aking macaroni salad. At galing sa isang taong napakagaling magluto, masarap ito sa pakiramdam.

Subalit ang gusto ko ring matutunan at gawin ay ang pag-bake. Kaso wala pa akong oven (mahal eh...ung gusto ko SM ang mahal mahal). Kung ako'y yumaman, hindi na ako magtatrabaho. Gusto ko na lamang magluto ng magluto at mag-bake ng magbake for my family and loved ones.

Teka, baket ba puro pagkain ang nasa utak ko?

Tuesday, February 8, 2011

A land of awayan and traydoran....

The whole nation is now talking about the death of former defense chief Angelo Reyes, Jr. While the country is going gaga over this latest political development, I realized that our citizens are really divided since panahon pa ng mga mananakop.

When we look back at our nation's history, there were lots of betrayals and crab mentality that defined our past. For sure, there were those who have good intentions for the country but there were always somebody who would jeopardize everything that would led to the capture of our fallen heroes, etc.

Mapa-panahon ng mga Kastila, Hapon o Amerikano, palaging ganun. Parating me awayan. There were lots of dirt being thrown around. There were malicious and baseless stories spawned to put down some people. I wonder when will all these end.

In congressional hearings (both in lower and upper chambers), there were accusations hurled against some people. We are not even sure if these people are guilty or not but they are made to look guilty even without solid evidences. Naging criminal na kahit walang kaso.

I condone graft and corruption because I always see them around. However, I believe that before we accuse people of any wrongdoing, solid evidences should be unearthed first to shed light on whatever issues are being tackled.

Kadalasan dahil galit tayo sa isang tao, we believe in rumors tapos nadadagdagan and we accept it as gospel truth. Teka muna, me basehan ka ba? Sabi mo corrupt si Mayor Ganyan or si Officer Ganun, asan ebidensya mo? Ano? Sigurado ka kasi sinabi kamo ni Aling Ganire at Manong Doon?

Baligtarin natin ang issue, eh paano naman kung ikaw ang akusahan, i-media pero wala naman silang ebidensya pero akala ng tao totoo. Ano mararamdaman mo?

Madaling magpuna, madaling mag-akusa, ang tanong, gaano ka kasigurado sa mga akusasyon mo.

I am not pro or anti anybody. But our society is becoming a society of puro pambibintang. Getting rid of corruption is one thing but making baseless accusation is another.

Why am I saying this? Nope, I am not just talking about the recent political issues. I realized na ganito na pala tayo kahit noong araw pa.

Kanina ka mas maniniwala, ke Apolinario Mabini na nagsasabing si Emilio Aguinaldo ang nagpapatay ke Gat Andres Bonifacio? or kay Emilio Aguinaldo na nagsasabing "tsismoso" raw si Apolinario Mabini at isang atakeng personal ang hatid nito ng ipakalat nito ang naturang "tsismis?"

Kaya ang mga kaguluhang ito ay nag ugat na rin sa ating mga ninuno. Sadya bang personal na interes ang nauuna sa mga Pilipino at nawawala ang pagiging makabayan, makatao at maka Diyos natin?

Sabi nga nila, lahat ng bagay ay may kakabit na interes. Ikaw magkano at ano ang interes mo?

Eto pala ang link sa huling interview ni Emilio Aguinaldo noong 1949...sana si Bonifacio din, nainterview bago namatay...:)

http://www.philippinesfreepress.com.ph/06-2010/independence-day/

Monday, February 7, 2011

Una

This is my new blog. Depende Yan kasi depende sa mood ko. Pag nasa mood akong mag tagalog, so be it....At least di pwedeng i-define ng blog kung ano ang pwede at di ko pwedeng isulat...

Ano'ng masasabi ko? Depende Yan sa aking pakiramdam. Tulad ngayon, nararamdaman ko lang na may mga kaibigan ka pala na "friendship" ka lang pag kailangan ka nila pero pag ok na sila, ni text, ni fb message or poke, ni message sa YM wala kang mahihita...Hay! That's life!