Tuesday, February 8, 2011

A land of awayan and traydoran....

The whole nation is now talking about the death of former defense chief Angelo Reyes, Jr. While the country is going gaga over this latest political development, I realized that our citizens are really divided since panahon pa ng mga mananakop.

When we look back at our nation's history, there were lots of betrayals and crab mentality that defined our past. For sure, there were those who have good intentions for the country but there were always somebody who would jeopardize everything that would led to the capture of our fallen heroes, etc.

Mapa-panahon ng mga Kastila, Hapon o Amerikano, palaging ganun. Parating me awayan. There were lots of dirt being thrown around. There were malicious and baseless stories spawned to put down some people. I wonder when will all these end.

In congressional hearings (both in lower and upper chambers), there were accusations hurled against some people. We are not even sure if these people are guilty or not but they are made to look guilty even without solid evidences. Naging criminal na kahit walang kaso.

I condone graft and corruption because I always see them around. However, I believe that before we accuse people of any wrongdoing, solid evidences should be unearthed first to shed light on whatever issues are being tackled.

Kadalasan dahil galit tayo sa isang tao, we believe in rumors tapos nadadagdagan and we accept it as gospel truth. Teka muna, me basehan ka ba? Sabi mo corrupt si Mayor Ganyan or si Officer Ganun, asan ebidensya mo? Ano? Sigurado ka kasi sinabi kamo ni Aling Ganire at Manong Doon?

Baligtarin natin ang issue, eh paano naman kung ikaw ang akusahan, i-media pero wala naman silang ebidensya pero akala ng tao totoo. Ano mararamdaman mo?

Madaling magpuna, madaling mag-akusa, ang tanong, gaano ka kasigurado sa mga akusasyon mo.

I am not pro or anti anybody. But our society is becoming a society of puro pambibintang. Getting rid of corruption is one thing but making baseless accusation is another.

Why am I saying this? Nope, I am not just talking about the recent political issues. I realized na ganito na pala tayo kahit noong araw pa.

Kanina ka mas maniniwala, ke Apolinario Mabini na nagsasabing si Emilio Aguinaldo ang nagpapatay ke Gat Andres Bonifacio? or kay Emilio Aguinaldo na nagsasabing "tsismoso" raw si Apolinario Mabini at isang atakeng personal ang hatid nito ng ipakalat nito ang naturang "tsismis?"

Kaya ang mga kaguluhang ito ay nag ugat na rin sa ating mga ninuno. Sadya bang personal na interes ang nauuna sa mga Pilipino at nawawala ang pagiging makabayan, makatao at maka Diyos natin?

Sabi nga nila, lahat ng bagay ay may kakabit na interes. Ikaw magkano at ano ang interes mo?

Eto pala ang link sa huling interview ni Emilio Aguinaldo noong 1949...sana si Bonifacio din, nainterview bago namatay...:)

http://www.philippinesfreepress.com.ph/06-2010/independence-day/

3 comments:

  1. kaya nga dapat ituloy ang rebolusyon...hindi pa kasi ito tapos...

    ReplyDelete
  2. sabi ng aking propesor sa heograpiya at kasaysayan ng pilipinas, totoong si aguinaldo ang nagpapatay kay bonifacio. at yan ay napatunayan na ng mga historyador at di tsismis lang.

    sa kabila ng tsismis - ika nga sa ingles, if there's smoke, there's fire. may katotohanang nalalambungan ng usok. ang totoo, may korupsyon. ang hindi mahinuha ay sino-sino nga ba ang involved?

    another thing, kababasa ko lang ng kasaysayan mula ayon sa pantayong pananaw. ang mga katutubong pilipino ay mga magigiting na mandirigma, may prinsipyo, tapat at HINDI magnanakaw. sila ay mapagkakatiwalaan at masipag. sino ang nagsabi nun? ito ay natatala sa isang kasulatan na ginawa ng isang asyano hinggil sa pakikipagkalakalan sa mga katutubong pilipino. BAGO PA MAN DUMATING ANG MGA KASTILA. (in caps para may emphasis lang, hindi ako galit) samakatwid, ang ganyang kultura ay dala dito ng mga dayuhang mananakop. isa pang natutunan ko, na ang prayle at espanyol na natalaga sa pilipinas ay mga patapon sa kanilang bansa. mga nagmula sa mga mahihirap na angkan na nagpayaman dito at naghari-harian. at yan ang dinala nilang kultura sa mga pilipino. ang maging gahaman sa kapangyarihan (although hindi naman siguro lahat ay nahawa) at ang unahin ang sariling kapakanan (crab mentality) kesehodang matapakan ang ibang tao.

    ReplyDelete
  3. Clehenia- kaya nga ako natatawa ke Aguinaldo ng tawaging tsismoso si pareng Mabini. Noon pa man me mga denial king na hehehe.

    Tungkol naman sa crab mentality at pagtatraydor, di ko sure kung namana natin yan sa mga mananakop. Kasi kahit ng kadarating palang ng mga kastila ay me mga ganyan na. Although me mga tapat naman talaga kaso me mga manaka nakang talangka ang nagpapahirap at nagbubuko sa mga tapat. Nakakalungkot...Yung mga mananakop natin, karamihan daw kasi ng pinadala ng espanya dito ay galing sa mehiko kaya ganun ang mga ugali. may kasamaan daw ang ugali ng mga mehikano kaya ganun ang trato sa mga indio. Evidence na rin ung food at ung lengguahe. Me certain words kasi ang mehiko na iba sa kastila kaya nagkagulo gulo tayo sa spanish natin. Kaya sa translation, merong mexican spanish at me european spanish.

    ReplyDelete